Pinal na ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang kandidatura ng 107 party-list group para sa 2022 elections.

Samantala, nasa 167 naman ang na-accredit, ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

“Kung hindi ako nagkakamali 167 yung na-accredit, at meron pa tayong mga ilang pending, tapos merong 107 na hindi isasama sa raffle. Ibig sabihin denied ‘yung kanilang registration,” wika ni Jimenez.

“Siyempre iba-iba ‘yung dahilan for the denial, pero for the most part ang nakita natin pinakamarami dahilan siguro ay ‘yung hindi nila pagtugon sa requirements ng accreditation process,” aniya.

Ilan sa mga hindi naaprubahan ay ang Nurses United, LGBT Plus, Manibela at TDP Truck Drivers PH.

Samantala mayroon pa umanong 13 party-list group na naka-pending pa sapagkat naghain ang mga ito ng motion for reconsideration.

Dagdag pa ni Jimenez, tangka nilang ilabas ang opisyal na listahan ng lahat ng kandidato sa kalagitnaan ng kasalukuyang buwan. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Comelec sinupalpal 107 party-list first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/comelec-sinupalpal-107-party-list/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=comelec-sinupalpal-107-party-list)