Bubuksan na ang mga commercial flight sa Siargao Airport simula sa Disyembre 28 matapos na wasakin ng Bagyong Odette ang paliparan.

“I’ve been told by CAAP that by tomorrow, maski na ho critically damaged ang paliparan na ito, Siargao will be commercially operable,” ulat ni Transportation Secretary Art Tugade kay President Rodrigo Duterte sa isang weekly Cabinet meeting.

Sinabi ni Tugade na lahat ng 24 na paliparan na nagtamo ng pinsala mula kay Odette ay bukas na para sa mga commercial flight.

Ayon pa kay Tugade, P13.5 milyon ang kakailanganin para ganap na mai-rehabilitate ang terminal ng Siargao Airport.

Samantala, dagdag ni Tugade, maglalaan ang Department of Transportation ng P10.5 milyon para sa rehabilitasyon ng nasabing airport.

The post Commercial flight papayagan sa Siargao Airport sa Dec. 28 — DOTr first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/commercial-flight-papayagan-sa-siargao-airport-sa-dec-28-dotr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=commercial-flight-papayagan-sa-siargao-airport-sa-dec-28-dotr)