Binigyang diin ni Trillanes, tumatakbo sa ilalim na team ni Vice President Leni Robredo, ang napakalaking papel ng mga pulis at sundalo sa laban kontra COVID-19 pandemic.

“Sa security sector reform, nais ulit nating bisitahin ang pag-increase ng benefits ng ating mga sundalo at pulis,” sabi ni Trillanes sa panayam sa radyo.

Target ni Trillanes na dagdagan ang subsistence allowance, quarter allowance at combat duty pay ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa oras na makabalik siya sa Senado.

“Noong una akong tumakbo noong 2007, nangako akong itataas ang sweldo, pension, at subsistence allowance ng mga sundalo at pulis. Kasama na rin dito ang pagpasa ng batas para sa AFP modernization. Lahat ng ito ay natupad sa loob ng aking dalawang termino,” ani Trillanes.

Nais nitong dagdagan ang allowance ng mga sundalo at pulis mula P5,000 hanggang P15,000 depended sa ranggo ng mga ito.

Sa kasalukuyan, tumatanggap lang ang mga pulis ng P400 hanggang P1,5000 na allowance habang ang mga sundalo naman ay P1,600 hanggang P3,000.

Para naman sa combat duty pay ng mga nakatalaga sa conflict areas, gusto ni Trillanes na dagdagan ito ng P3,000 hanggang 25 porsiyento ng kanilang base pay.

Sabi ni Trillanes, hindi na umano nakakatulong sa ngayon ang tinatanggap ng mga allowance ng mga pulis at sundalo kaya panahon na para madagdagan ito. (Dindo Matining)

The post Dagdag-benepisyo sa mga sundalo, parak itutulak ni Trillanes Kung muling manalo sa susunod na eleksiyon, isusulong ni senatorial aspirant Antonio Trillanes IV ang isang panukala na magdadagdag ng allowance at combat pay ng mga pulis at sundalo. first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dagdag-benepisyo-sa-mga-sundalo-parak-itutulak-ni-trillanes-kung-muling-manalo-sa-susunod-na-eleksiyon-isusulong-ni-senatorial-aspirant-antonio-trillanes-iv-ang-isang-panukala-na-magdadagdag-ng-allo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dagdag-benepisyo-sa-mga-sundalo-parak-itutulak-ni-trillanes-kung-muling-manalo-sa-susunod-na-eleksiyon-isusulong-ni-senatorial-aspirant-antonio-trillanes-iv-ang-isang-panukala-na-magdadagdag-ng-allo)