Pumanaw sa cardiac arrest ang dating coach ng San Beda high school basketball team na si Edmundo ‘Ato’ Badolato nitong Linggo.

Siya ay 74-anyos.

Kamakailan lamang ay hindi naging matagumpay ang angioplasty surgery ni Badolato at nakatakda sana siyang sumailalim sa heart bypass sa susunod na taon.

Sa tulong ni Badolato, umusbong ang karera ng mga PBA star na sina LA Tenorio, Benjie Paras, Ronnie Magsanoc, JVee Casio at Baser Amer sa San Beda high school.

Kaya naman ikinalungkot din ni Tenorio ang kanyang pagpanaw.

“Ikaw ang malaki rason bakit ako nandito sa position ko ngayon. Tatanawin ko malaking utang na loob lahat ng ginawa mo sa akin bilang isang player,” wika ni Tenorio sa kanyang social media post.

Nagsilbi rin si Badolato bilang athletic director ng San Beda at commissioner ng UAAP.

The post Dating San Beda high school coach pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dating-san-beda-high-school-coach-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dating-san-beda-high-school-coach-pumanaw-na)