Halos P80 bilyon ang subsidiya na ibibigay ng gobyerno sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa susunod na taon.

Ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa ilalim ng panukalang P5.024 trilyong budget para sa 2022, ang PhilHealth ay makatatanggap ng P79,990,995,000 subsidiya.

Mas malaki ito ng P8.368 bilyon sa P71.353-bilyong subsidiya sa PhilHealth ngayong taon.

“The money is for the insurance coverage of millions of so-called indirect contributors, including indigent citizens, the elderly and unemployed persons with disability,” sabi ni Defensor.

Ang PhilHealth ay kokolekta rin ng mahigit P100 bilyon mula sa milyon-milyong manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.

Nagrereklamo ang mga ospital dahil hindi umano sila binabayaran ng PhilHealth.

“This has been a recurring problem. The two sides should agree on a common solution that protects the interests of honest health facilities and medical practitioners, on one hand, and taxpayers and Philhealth members, on the other,” dagdag pa ng solon.

Kasama umano sa sanhi ng problema ang hindi pagiging tapat ng ilang ospital at doktor na naniningil ng sobra sa PhilHealth.

Si Defensor ay isa sa mga nagsiwalat ng iregularidad sa transaksyon ng PhilHealth gaya ng advance payment na P15 bilyon sa mga health care facility sa umpisa ng pandemya. Ilan sa mga ospital ay binigyan ng pondo kahit na hindi naman sila tumatanggap ng pasyenteng may COVID-19.

Hindi rin umano makatwiran ang pagkalas ng mga ospital sa PhilHealth dahil taliwas ito sa mandato ng Universal Health Care Law.

“Health facilities are part of the universal health care program. If they separate themselves from PhilHealth, they may not be able to serve poor patients who are covered by state insurance,” dagdag pa ni Defensor.

The post Defensor: PhilHealth may P80B subsidy sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/defensor-philhealth-may-p80b-subsidy-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=defensor-philhealth-may-p80b-subsidy-sa-2022)