Inulang ng tulong ang delivery rider na nagtrending sa social media matapos manakawan ng bisikleta.

Sa isang episode ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ kinilala ang rider na si Joshua.

Kwento niya, nabili niya sa halagang P18,400 ang bisikletang ginagamit sa pagiging delivery rider. Bukod dito, ginastusan na niya ito ng P40,000 para mapaganda.

Ngunit noong Nobyembre 25, habang matapos kunin ang order na cake ng kanyang customer ay hindi na niya mahagilap ang bisikleta.

“Iniisip ko po kung nagkamali ako ng parada. Nung na-realize ko na talagang nawala na siya, doon na po ako nagtanong kung may nakakita po,” ani Joshua.

Dahil sobrang halaga sa kanya ng bisikleta, napalumpasay na lang si Joshua na nagtrending din sa social media.

Kaya naman, marami rin ang tumulong sa kanya.

Isa na rito ang ‘motovlogger’ na si Team Katagumpay na binigyan si Joshua ng isang bike, helmet, ilaw, bottle holder, face mask at pang-limang araw niyang sahod.

At nitong Biyernes, ang isa pang vlogger na si Motor ni Juan ay binigyan naman siya ng repossessed na motor.

Walang mapagsidlan ng kasiyahan si Joshua.

“Doon po sa mga tumulong sa akin, sobra-sobra po ang pasasalamat ko sa inyo. Mabuhay po kayo!” aniya. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Delivery rider na ninakawan ng bike inulan ng tulong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/delivery-rider-na-ninakawan-ng-bike-inulan-ng-tulong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=delivery-rider-na-ninakawan-ng-bike-inulan-ng-tulong)