Namahagi ng mga regalo ang Department of Education (DepEd) sa mga estudyante sa Polo Elementary School sa Tanjay City, Negros Oriental.

Pinangunahan ni DepEd Secretary Leonor Briones sa kaniyang pagbisita ang pamimigay ng mga school supplies kagaya ng bag at sapatos sa mga mag-aaral.

Binigyang-diin ni Briones ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga bata lalo na sa kanilang pag-aaral.

“We should never forget that at the end of the day, our responsibility to our children is to provide them with quality education. We should always give our children quality education because knowledge will help us practice different professions,” pahayag ni Briones nitong Huwebes.

Ipinaliwanag din ni Briones na pinalalakas umano ng DepEd ang pagpapatupad ng mga programang pang-edukasyon bago pa man dumating ang COVID-19 sa bansa.

Aniya, patuloy ang ahensya sa paggawa ng mga patakaran upang mapagbuti ang mental health ng mga mag-aaral at mga guro lalo na ngayong pandemya.

The post DepEd namigay regalo sa mga estudyante sa Negros Oriental first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deped-namigay-regalo-sa-mga-estudyante-sa-negros-oriental1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=deped-namigay-regalo-sa-mga-estudyante-sa-negros-oriental1)