Ibinuhos ni DeMar DeRozan ang 19 sa kanyang 38 points sa fourth quarter upang buhatin ang Chicago Bulls tungo sa 115-110 panalo kontra Los Angeles Lakers ngayong Lunes.

Dikit ang laban mula umpisa hanggang sa dulo ngunit ang jumpshot ni DeRozan may 50 segundo na lamang sa laro ang nagbigay sa Bulls ng 111-110 na lamang.

Mula doon ay hindi na nakasagot pa ang Lakers at naibulsa ng Chicago ang panalo.

Bukod kay DeRozan ay kumana ng tig-19 points sina Nikola Vucevic at Lonzo Ball, habang may 17 points ang dating player ng Lakers na si Alex Caruso.

Lumaro ang Bulls nang wala si Zach Lavine.

Binuhat naman ni LeBron James ang Lakers sa kanyang 31 points at 14 rebounds, habang may 21 points si Carmelo Anthony at 20 naman mula pa kay Russell Westbrook.

Gayunman, kinapos ang Lakers dahil na rin sa kanilang pangungulila sa injured na si Anthony Davis.

The post DeRozan bumida! Bulls sinuwag ang Lakers first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/derozan-bumida-bulls-sinuwag-ang-lakers/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=derozan-bumida-bulls-sinuwag-ang-lakers)