Kakanselahin at itatapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng hindi na-claim na pasaporte na may schedule na releasing noong Disyembre 2020 o mas maaga pa.

Sa kanilang advisory, sinabi ng DFA na may pagkakataon pang kunin ang mga pasaporte hanggang sa Enero 7, 2022 sa DFA Consular Office kung saan nagproseso nito.

Ayon sa DFA, sa mga hindi makakapag-claim ng kanilang pasaporte bago ang Enero 7, 2022 ay kailangang kumuha ng certificate of unclaimed passport sa DFA Aseana o sa DFA Consular Office kung saan nagproseso at mag-file ng bagong passport application.

Hindi apektado ang mga passport na may schedule for release pagkatapos ang Disyembre 2020.

https://www.facebook.com/dfaphl/posts/217386877211226

(IS)

The post DFA magtatapon ng mga hindi kinuhang passport first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dfa-magtatapon-ng-mga-hindi-kinuhang-passport/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dfa-magtatapon-ng-mga-hindi-kinuhang-passport)