Inaprubahan na ng isang korte sa US ang pakikipag-diborsyo ni Arnold Schwarzenegger sa asawa nitong si Maria Shriver, na siyang tumuldok sa 35 taon nila bilang mag-asawa.

Ayon sa ulat ng Fox News, nitong Martes (oras sa US) isinapormal ng korte ang diborsyo ng dalawa matapos magkasundo ang kanilang mga panig sa hatian ng ari-arian.

Noong 2011 pa inihain ni Shriver ang divorce ngunit nagtagal ito dahil sa ‘di pagkakasundo sa hatian ng ari-arian.

Inihain ni Shriver ang diborsyo matapos niyang madiskubre na may anak ang aktor sa kanilang katulong na si Mildred Baena noong 1996.

Hanggang ngayon ay may koneksyon pa rin si Schwarzenegger sa anak niya sa kanilang katulong.

Samantala, hinintay naman ni Shriver na matapos ang termino ng aktor bilang gobernador ng California bago niya ito komprontahin sa naturang isyu.

Ikinasal sina Schwarzenegger at Shriver noong 1986 at may apat na anak. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Diborsyo ni Arnold Schwarzenegger sa misis inaprub ng korte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/diborsyo-ni-arnold-schwarzenegger-sa-misis-inaprub-ng-korte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=diborsyo-ni-arnold-schwarzenegger-sa-misis-inaprub-ng-korte)