Pinapayagan ang personal na mga Christmas party sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya, sa mga Alert Level 2 area, pinapayagan ang mga Christmas party hanggang 50% venue capacity at dagdag na 10% kung ang venue ay may safety seal.

Pero dapat nakasunod pa rin sa mga minimum public health standard tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

“If these Christmas parties violate these, then the safety seal will be revoked and the business permit of the establishment will be suspended,” sambit ni Malaya sa Laging Handa briefing.

Mananatili sa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang Disyembre 15. (IS)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post DILG: Christmas party aprub sa Alert Level 2 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-christmas-party-aprub-sa-alert-level-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-christmas-party-aprub-sa-alert-level-2)