Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na maglabas ng mga panuntunan na susundin para sa pangangaroling sa kani-kanilang mga lugar ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ang pangangaroling ay pinapayagan sa Alert Level 2, ngunit ayon sa DILG, hindi pa rin papayagang makiisa ang mga bata edad 11 pababa dahil wala pa itong mga bakuna laban sa COVID.

“Depende na rin sa mga protocol na ibibigay ng ating mga LGU. Kung anong ibibigay ng mga mayor, tapos sa barangay din. Palagay ko, dapat din sila makipag-coordinate sa barangay para ma-secure natin ‘yong health protocols,” pahayag ni DILG Undersecretary Martin DiƱo.

Una ng sinabi ng mga alkalde sa Metro Manila na maglalabas sila ng iisang kautusan na dapat sundin sa pangangaroling.

Hindi naisagawa ang naturang tradisyon noong nakaraang taon dahil sa pandemya. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post DILG sa mga LGU: Bantayan protocol sa pangangaroling first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-sa-mga-lgu-bantayan-protocol-sa-pangangaroling/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-sa-mga-lgu-bantayan-protocol-sa-pangangaroling)