Pinayuhan ng isang pediatrician ang mga magulang na iwasan munang mamasko bahay-bahay kasama ang mga anak.

Aniya, mapanganib sa COVID-19 ang mga batang hindi pa nababakunahan laban dito.

“Sa akin po kasi, mag-iwas po tayo. Masarap iyong nagkikita-kita tayo, pero iyong mga bata pong hindi pa nababakunahan at saka iyong pupuntahan n’yo baka hindi pa nababakunahan, iwas-pusoy, ‘ika nga natin. Ingat lang po tayo. Wala hong makakatalo sa prevention,” paliwanag ni Dr. Cynthia Cuayo-Juico sa panayam sa TeleRadyo.

Saad pa ng Philippine Pediatric Society fellow, maaari namang ipadala na lamang sa mga pintuan ang mga regalo.

The post Doktor sa mga magulang: Huwag munang mamasko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doktor-sa-mga-magulang-huwag-munang-mamasko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doktor-sa-mga-magulang-huwag-munang-mamasko)