Umamin na ang babaeng galing sa US na tumakas siya sa hotel quarantine at nagpunta agad sa mga party.
Kamakailan lang ay trending sa Twitter ang tungkol sa babae na pumunta sa party at nakapanghawa ng COVID-19 sa mga nakasalamuha.
Ayon sa pahayag ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa OnePH, sinabi umano ng babae sa kaniyang mga kaibigan na kaya umano nitong lumusot sa quarantine dahil may mga koneksyon siya.
“She told her friends na she had connections daw kaya she could cut quarantine,” ani Romulo-Puyat.
Ngunit sa ika-limang araw na pagbalik niya sa hotel, nagpa-swab test ito at nagpositibo sa Coronavirus pati ang mga nakasalamu
Kabilang din umano sa mga nagpositibo ang mga empleyado sa establisyimentong kaniyang pinuntahan.
“On her fifth day, bumalik (siya) sa hotel, nagpa-swab, nag-positive. Tapos ‘yung ibang mga nakasama niya, nag-positive. In fact, ‘yung mga establishment, nag-positive sila doon. Ang daming nag-positive because of the girl,” saad pa nito.
Dahil dito marami ang nagalit na netizen at sinabing dapat siguraduhin na hindi na mauulit ang ganitong insidente para sa kapakanan ng nakararami.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dot-bebot-na-tumakas-sa-hotel-quarantine-maraming-nahawaan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dot-bebot-na-tumakas-sa-hotel-quarantine-maraming-nahawaan)
0 Mga Komento