Hinimok ni Department of Science and Technology- Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) Director Carlo Arcilla si Pangulong Rodrigo Duterte na pirmahan ang draft ng national position na siyang magbibigay-daan sa paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas.

“I am making an appeal to the President to sign it,” saad ni Arcilla.

Ang draft na isinagawa nina Arcilla ay bunga ng Executive Order 116 na pinirmahan ni Duterte.

Sa bisa ng EO 116, bubuo ng Nuclear Energy Program Inter- Agency Committee (NEP-IAC) at aatasan din ang Department of Energy, DOST, at iba pang ahensya na pag-aralan ang pagkakaroon ng “National Position on a Nuclear Energy Program (NEP)”.

Ang NEP-IAC ay inatasang pag-aralan ang kakayahan ng bansa na mag-operate ng sarili nitong nuclear power plant, kasama na rito ang pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

“This is the most important development in nuclear in the country since 1986 because finally, the President ’s office said ‘we want to explore the possibility in nuclear power’,” saad ni Arcilla.

“We submitted the draft of the executive order of the national position almost one year ago. And the last I heard it is being reviewed by the Executive Secretary. So we are in a praying and waiting mood,” dugtong pa niya.

Naniniwala si Arcilla na ang nuclear power plant ay malinis at ligtas, patunay na umano rito ang mga bansa na patuloy ang paggamit nito.

Kaya naman, umaasa siya na bago bumaba sa pwesto si Duterte ay mapipirmahan niya ang draft. (mjd)

The post Draft para buhayin nuclear power sa ‘Pinas pinapipirmahan na kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/draft-para-buhayin-nuclear-power-sa-pinas-pinapipirmahan-na-kay-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=draft-para-buhayin-nuclear-power-sa-pinas-pinapipirmahan-na-kay-duterte)