Topnotcher sa November 2021 Nurse Licensure Examination ang nagtapos sa Silliman University sa Dumaguete City.

Ayon sa Philippine Regulation Commission, nagtala ng 89.40 porsiyentong iskor si Kiarra Belle Arante Poblador, na siyang pinakamataas sa 6,086 nakapasa sa nasabing pagsusulit.

Tabla naman sa ikalawang spot sa iskor na 88.80% sina Francine Beatrice Liao Cruz mula sa Southville International School and Colleges at Natelie Joyce Mariano mula naman sa Medici Di Makati College Inc.

Samantala, top performing school ang University of Santo Tomas, kung saan lahat ng 58 graduate nito na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa. (IS)

The post Dumaguete grad nanguna sa nurse licensure exams first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dumaguete-grad-nanguna-sa-nurse-licensure-exams/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dumaguete-grad-nanguna-sa-nurse-licensure-exams)