Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan lalo na sa mga naapektuhan ng bagyong Odette na hindi sila pababayaan ng gobyerno lalo na sa mga pagkakataong nahaharap sa krisis ang mga ito.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Cebu City kamakalawa at mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pinsalang iniwan ng bagyong Odette.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Presidente sa mga Cebuano na karamay nila ang gobyerno sa panahon ng krisis at kahirapan at ginagawa ang lahat para makahanap ng pera para matulungan ang mga ito.

“I’m here to be with you in your time of hardship. You can barely see me traveling for leisure. But this is what I’ve always said in the past in Davao and to everybody: that in your time of need, we are here for you. I came here to let you know that the government has not forgotten you. The government is working very hard, and the government is doing all that it can to find money for you,” anang Pangulo.

Inaasahan na aniya nito ang mga kritiko na magtatanong kung nasaan siya sa panahon ng krisis pero hindi kinakailangang ipangalandakan kung saan saang lugar ang mga binisita nito matapos manalasa ang bagyong Odette.

“So that’s it, that’s my message for you. I am not trying to give a speech here. But what I can guarantee is I know that the first thing that people would ask in times of need would be, ‘Where is Duterte? Where is our President?’ Especially because I’m from Danao and the Cebuanos will keep on asking, ‘Where is the government? Where is Duterte?’,”dagdag ng Pangulo.

Huwag din aniyang kalimutan ang mga kandidatong nagpapaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo lalo na yaong mga nagpakita ng maagap na pagdamay sa mga nasalanta ng bagyo.

“I’m not campaigning here. But since the election period is nearing, look at the… I’m not running for a position, I can’t anymore. But look at the candidates who are here for you to be with you in your time of need and to share your pain. Remember them,” wika ng Pangulo.

Nauna nang nabisita ni Pangulong Duterte ang Siargao, Palawan at iba pang lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Tiniyak ng Presidente na padating na ang tulong ng gobyerno sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad at kung natatagalan man ay dahil sa mga debris at nasirang mga kalsada at mga tulay dulot ng mapaminsalang bagyo.

The post Duterte: Sa panahon ng krisis andito kami first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-panahon-ng-krisis-andito-kami/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sa-panahon-ng-krisis-andito-kami)