Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na limitahan lamang sa dalawa ang kanilang mga anak para maayos na mapalaki at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito.

Sa kanyang pagbisita sa Cebu City kamakalawa, ikinuwento ng Pangulo ang magsasakang nakilala nito na mayroong maraming anak at hirap na hirap mabigyan ng sapat na pagkain, mapag-aral at maibigay ang pangangailangan ng mga anak.

Sinabi ng Pangulo na mahirap magpalaki ng maraming anak at maibigay ang kanilang mga pangangailangan kaya dapat ay dalawa hanggang apat lamang para masigurong mapag-aral lahat ang mga ito at magkaroon ng magandang kinabukasan.

“That’s why I’m telling you now, and I’m just speaking candidly, stop having too many children. Limit it to two only. If you have four or five children, you’ll find it hard to send them to school, feed them, and provide for their other needs,” anang Pangulo.

Pabirong sinabi ng Presidente na kapag nagpatuloy ang pag-aanak ng maraming Pilipino ay babalikan niya ang mga ito ay guguntingin ang ari ng mga lalaki para hindi na magkaroon ng problema sa paglobo ng populasyon.

“That’s why I keep on pleading with the Filipinos to stop having more children. If you keep having more children, I’ll come back here with scissors and cut off the genitals of your husband so that you won’t have any more problems,” dagdag ng Pangulo.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit isang daang milyon ang populasyon ng Pilipinas.

The post Duterte sa Pinoy: Limitahan anak sa dalawa lang first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-pinoy-limitahan-anak-sa-dalawa-lang/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sa-pinoy-limitahan-anak-sa-dalawa-lang)