Kung ang latest evictee ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 na si Eian Rances ang tatanungin, ang kanyang kaibigan sa bahay ni kuya na si Brenda Mage ang dapat maging big winner sa reality show.

Ito ang sinabi ni Eian sa panayam matapos siyang mapalabas sa bahay ni kuya nitong weekend, kasama ang kapwa housemate na si Jordan Andrews.

“Para sa akin kung sakripisyo ‘yung pag-uusapan, na lahat ay ibinigay ng todo — lahat naman kami. Pero from the outside na dinala niya sa loob ng bahay ‘yung sakripisyo na ‘yon — it’s Brenda,” wika ni Eian sa tanong ni Bianca Gonzales kung sino sa tingin niya ang deserving na maging big winner.

“Shinare sa amin ni Brenda ‘yung hirap na pinagdaanan niya sa labas na dinala niya hanggang loob. Ipinakita niya rin kung paano siya naghihirap sa labas. Alam ko gustong-gusto niya ito, matagal niyang ipinagdasal ito,” dagdag pa nito.

Sa kanyang pamamalagi sa PBB house, naging malapit si Eian kay Brenda.

Gayunman, nitong mga huling linggo ay nabalot ng isyu ang kanilang pagkakaibigan dahil bigla umanong naging malapit si Eian sa isa pang housemate na si Alexa Ilacad, bagay na ikinaselos ni Brenda.

The post Eian Rances bet maging big winner si Brenda Mage first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eian-rances-bet-maging-big-winner-si-brenda-mage/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eian-rances-bet-maging-big-winner-si-brenda-mage)