Sinalubong ng pagbati si Derek Ramsay sa kanyang ika-45 kaarawan nitong Martes, Disyembre 7, sa pangunguna ng kanyang asawa na si Ellen Adarna.

Sa mga Instagram story ni Derek ay pinasilip nito ang ilang kaganapan sa pagdiriwang niya ng kaarawan, na dinaluhan ng ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Ngunit bukod-tangi ang video clip na ibinahagi ng kaibigan ng aktor na si Gali Gonzaga, kung saan makikitang hawak ni Ellen ang isang cake habang umaawit ang iba ng happy birthday.

Matapos batiin, tinanong si Derek kung ano ang kanyang birthday wish, kung saan sinagot ng aktor ang: ‘“I wish it’s a boy!”, kung saan naghiyawan lahat ng bisita.

Sakali mang buntis talaga si Ellen, ito ang magiging panganay ng dalawa matapos ikasal noong nakaraang buwan.

Bago pa man magkatuluyan, sina Ellen at Derek ay may anak sa kanilang mga dating nakarelasyon. (mjd)

The post Ellen Adarna buntis na nga ba? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ellen-adarna-buntis-na-nga-ba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ellen-adarna-buntis-na-nga-ba)