Tinanghal na Person of the Year ng Time Magazine para sa taong ito ang CEO ng Tesla at SpaceX na si Elon Musk.

Ang Person of the Year ay taunang pagkilala ng Time sa mga indibidwal o grupo na nagdulot ng pinakamalaking balita sa loob ng isang taon. Sinimulan nila ito noong 1927.

“Person of the Year is a marker of influence, and few individuals have had more influence than Musk on life on Earth, and potentially life off Earth too,” pahayag ni Time Magazine editor-in-chief Edward Felsenthal. “In 2021, Musk emerged not just as the world’s richest person but also as perhaps the richest example of a massive shift in our society.”

Si Musk, na siyang pinakamayamang tao ngayon sa mundo, ay may net worth na $297 bilyon.

Noong 2020 ay sina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ang naging Person of the Year.

Samantala, isang beses nang may Pilipinong naging Person of the Year, sa katauhan ni yumaong dating pangulo Corazon Aquino, na naging Person of the Year noong 1986, panahon ng EDSA Revolution.

The post Elon Musk 2021 Person of the Year ng Time first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/elon-musk-2021-person-of-the-year-ng-time/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=elon-musk-2021-person-of-the-year-ng-time)