Inendorso ng House Committee on Labor and Employment sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang panukala upang magkaroon ng pamimilian ang isang empleyado sa pribadong sektor kung paano kukunin ang kanyang suweldo.

Layunin ng House Bill 10432 na amyendahan ang Article 102 ng Labor Code of the Philippines (Presidential Decree 442).

Sa ilalim ng panukala, maaaring mamili ang isang empleyado kung saang bangko ipapasok ang kanyang suweldo. Ang employer ay magbibigay ng limang bangko na pagpipilian.

Kung walang napili ang empleyado, ang sweldo ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng tseke, cash o electronic transfer. (Billy Begas)

The post Empleyado balak bigyan ng opsyon kung paano kukunin sahod first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/empleyado-balak-bigyan-ng-opsyon-kung-paano-kukunin-sahod/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=empleyado-balak-bigyan-ng-opsyon-kung-paano-kukunin-sahod)