Naiyak si Enchong Dee sa sulat sa kanya ni Erich Gonzales para sa kanyang 15th anniversary sa showbiz industry.

Sa interview sa “Magandang Buhay”, sinabi ng aktor na sa sobrang close kasi nila ni Erich, kulang na lang ay ikasal sila.

“Dear Chong, I would like to acknowledge all the small and big things that you have done in the past for me. You have been my all-in-one, my favorite leading man, friend, support system and a lot more,” ani Erich sa sulat na binasa ni Enchong.

“You will always have my love and support. Count on me on whatever and you know that,” dagdag niya.

Sobrang saya naman ni Enchong nang basahin ang sulat ni Erich.

“It’s the same. It’s the same for Erich na ang saya kasi parang kulang na lang ikasal kami kasi ‘di ba. Pero ang sarap kapag may mga ganoong tao na tanggap ka kahit anong mangyari, nandiyan ako para sa’yo ‘di ba?” maluha-luhang sambit ng aktor.

The post Enchong kay Erich: Kulang na lang ikasal kami first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/enchong-kay-erich-kulang-na-lang-ikasal-kami/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=enchong-kay-erich-kulang-na-lang-ikasal-kami)