Nagbabala ang isang eksperto sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng mahahawaan ng COVID-19 sa mga evacuation center matapos sirain ng bagyong Odette ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ayon kay Dr. Tony Leachon sa panayam nito sa TeleRadyo, hindi masisi ang mga tao sa mga evacuation center kung hindi nito masusunod ang ilang health protocol.

“Puwede kang magkaroon ng violation ng social distancing measures, kasi kung nasa evacuation centers sila, hindi natin masisisi kung ang sanitation at face mask ay hindi kumpleto,” ani Leachon.

Aniya, kinakailangan bantayan ng mga indibidwal ang pag-surge ng virus lalo na at mababa umano ang vaccination rate sa Visayas at Mindanao.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Leachon ang publiko na mag-ingat lalo na sa banta ng Omicron COVID-19 variant sa bansa. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Expert: Pagdami kaso ng Covid 19 sa evacuation site sa VisMin posible first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/expert-pagdami-kaso-ng-covid-19-sa-evacuation-site-sa-vismin-posible/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=expert-pagdami-kaso-ng-covid-19-sa-evacuation-site-sa-vismin-posible)