Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng puwesto sa gobyerno ang paring scientist na si Father Nicanor Austriaco bilang kalihim ng Department of Health (DOH).

Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, isa si Father Austriaco sa mga nagbigay ng updates tungkol sa Omicron variant na kumakalat ngayon sa maraming bansa.

Napabilib ang Pangulo sa mga paliwanag ng pari at inalok niya ito sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III.

“That’s an added accolade for you, we would be happy — I would be happy to appoint you as the Secretary of Health If that’s okay with you. So we would be blessed if you decide to accept the portfolio of Secretary of Health, short stint. I am sure Secretary Duque would only be too happy to give way,” anang Pangulo.

Matagal na aniyang gustong magpahinga ni Secretary Duque matapos batuhin ng mga kontrobersiya subalit pinipigilan niya lamang ito.

Pero sigurado aniyang papayag ang kalihim at magbibigay-daan ito para kay Father Austriaco.

“He has shown — he vents a desire really to rest, you know, after all this ruckus against him. Sabi ko I’ve been forcing him to stay but he would be happy to give way to you, I’m sure,” dagdag ng Pangulo.

Agad namang sumang-ayon si Duque dahil ang papalit sa kanya ay isang kapwa Thomasian o produkto ng University of Sto. Tomas.

Gayunman, magalang na tinanggihan ni Father Austriaco ang alok ng Presidente.

“No po. No po. Secretary Duque is doing a fine job po and he’s a Thomasian po,” anang pari..

Hinimok ng Pangulo ang pari na manatili na lamang sa Pilipinas para pagsilbihan ang mga Pilipino.

Si Father Austriaco ay nakabase sa Amerika subalit bumabalik sa Pilipinas kada anim na buwan at ipinabatid sa Presidente na mayroon siyang tinutuklas na vaccine para sa mga Pilipino. (Aileen Taliping)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Fr. Austriaco inalok maging DOH secretary ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fr-austriaco-inalok-maging-doh-secretary-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fr-austriaco-inalok-maging-doh-secretary-ni-duterte)