Ibinunyag ni NorthPort coach Pido Jarencio ngayong Miyerkoles na nagretiro na sa PBA ang tirador na si Garvo Lanete.
Ayon sa ulat ng Spin.ph, sa USA na titira si Lanete kasama ng kanyang pamilya, kaya naisip nitong magretiro na sa edad na 32.
Anim na taon naglaro si Lanete sa PBA, mula nang masungkit ng NLEX bilang sixth overall pick noong 2015.
Bukod sa NLEX at Northport, naglaro rin ang 6’2 guard sa Meralco.
Ngunit sa Batang Pier umusbong ang karera ng shooter kung saan noong 2020 bubble season ay nag-average siya ng 12.1 points per game sa 44% shooting mula sa tres.
Unang nakilala si Lanete sa San Beda Red Lions kung saan natulungan niya ang koponan na makuha ang apat na NCAA title.
The post Garvo Lanete nagretiro na – Jarencio first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/garvo-lanete-nagretiro-na-jarencio/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=garvo-lanete-nagretiro-na-jarencio)
0 Mga Komento