Maghaharap muli ang Barangay Ginebra at Magnolia Hotshots sa darating na Kapaskuhan.

Ito na ang ika-200 beses na naglaban ang dalawang nasabing koponan na binansagang “Manila Clasico”.

Alas-6:45 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum didribol ang Hotshots-Gin Kings duel matapos payagang makapanood ang mga fan.

Huling nagtuos ang Ginebra at Magnolia noong July 25 sa 2021 Philippine Cup, kung saan tinangay ng huli ang panalo, 89-79, matapos mag-init ang mga kamay nina Paul Lee (22 points) at Calvin Abueva (15 points, 9 nine rebounds).

Bago ang main game, bakbakan muna ang NLEX at Phoenix ng alas-4 ng hapon.

The post Ginebra, Magnolia bakbakan sa Pasko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ginebra-magnolia-bakbakan-sa-pasko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ginebra-magnolia-bakbakan-sa-pasko)