Isa ang dating San Antonio Spurs guard na si Manu Ginobili sa unang set ng mga nominadong pangalan para sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame Class of 2022.

Ito ang unang beses na nominado si Ginobili sapagkat ito rin ang unang taon ng kanyang eligibility para makapasok sa Hall of Fame.

Ginugol ng Argentine ang kabuuan ng kanyang karera sa San Antonio Spurs kung saan mula sa pagiging 57th pick noong 1999 ay naging star player ito at susi sa apat na kampeonato ng koponan.

Ayon sa ulat ng ESPN, kasama ni Ginobili na mga first-time nominee para sa Hall of Fame ang dating manlalaro na si Tom Chambers at ex-WNBA All Star Lindsay Whalen.

Samantala, ang mga muling na-nomina para makapasok sa Hall of Fame ay sina Chauncey Billups, Rip Hamilton, Shawn Marion, Tim Hardaway, Muggsy Bogues, Mark Jackson, SwinCash, Becky Hammon, George Karl at Bob Huggins.

Nakatakdang ianunsyo ang mga pasok sa Hall of Fame sa Setyembre 2022 sa Springfield, Massachusetts – ang lugar kung saan isinilang ang basketball.

The post Ginobili nominado sa NBA Hall of Fame first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ginobili-nominado-sa-nba-hall-of-fame/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ginobili-nominado-sa-nba-hall-of-fame)