Tatlong goal ang ibinaon ni naturalized player Bienvenido Marañon upang dalhin ang Philippine Azkals sa 3-2 panalo kontra Myanmar sa huli nilang laro sa AFF Suzuki Cup sa Singapore.

Sinimulan ni Marañon ang ratsada sa 16th minute, na agad niyang sinundan ng isa pang goal sa 19th minute.

Kinumpleto ng striker ang hat trick sa 45th minute.

Dahil dito, si Marañon ang unang manlalaro ng Pilipinas na nakaiskor ng hat trick sa kasaysayan ng Suzuki Cup.

Gayunman, nanakot ang Myanmar sa second half sa dalawang goal ni Htet Phyo Wai sa 74th at 86th minute.

Kumapit naman ang depensa ng Azkals sa dulo upang mapreserba ang panalo.

Ito na ang huling laro ng Pilipinas sa torneo dahil ang talo nila sa Thailand noong nakaraang linggo ang nagtanggal sa kanila sa semi final picture. (mjd)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Hat trick ni Marañon bumuhat sa Azkals first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hat-trick-ni-maranon-bumuhat-sa-azkals/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hat-trick-ni-maranon-bumuhat-sa-azkals)