Hindi bababa sa 1,000 katao na umaasa sa shipment industry ang nawalan ng trabaho matapos na sumadsad o lumubog ang kanilang sasakyang-pandagat dulot ng hagupit ng Bagyong Odette.
Ayon sa panayam kay Philippine Coastwise Shipping Association (PCSA) chair Lucio Lim Jr. sa Inquirer, nawalan ng trabaho ang kaniyang grupo kabilang na ang mga marino at tauhan sa daungan habang higit 100 barko ang lumubog o sumadsad.
“At least 1000 people out of work with more than 100 vessels sunk, damaged, agrounded,” pahayag nito.
Aniya, umaasa umano siya na magpapaabot ng tulong ang Maritime Industry Authority (Marina) sa kaniyang grupo.
Ang PCSA ang ang pinakamalaking organisasyon sa shipping industry sa bansa, na may higit sa 50 miyembro at 700 na barko. (Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/higit-100-barko-lumubog-sumadsad-dahil-sa-bagsik-ni-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=higit-100-barko-lumubog-sumadsad-dahil-sa-bagsik-ni-odette)
0 Mga Komento