Dumating ang higit isang milyong dosis ng Pfizer COVID-19 vaccine sa Pilipinas nitong Lunes, Disyembre 27.

May kabuaan itong 1,187,550, na binili ng pambansang pamahalaan. Inihatid ang nasabing bakuna sa Ninoy International Airport (NAIA).

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., may kabuuang 202,660,355 COVID-19 vaccine dosis na ang naihatid sa bansa mula noong Pebrero.

“As of December 27, following the arrival today of Moderna vaccines from the COVAX facility and government-procured Pfizer-BioNTech jabs, a total of 202,660,355 COVID-19 vaccine doses have been delivered to the country since February,” saad ni Galvez.

Samantala, nasa 2,838,792 na ang kumpirmadong nahawa ng COVID-19 ang naiulat sa bansa. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Higit 1M dosis biniling Pfizer bakuna lumapag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/higit-1m-dosis-biniling-pfizer-bakuna-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=higit-1m-dosis-biniling-pfizer-bakuna-lumapag-sa-pinas)