Hindi na papayagan pumasok sa mga indoor at outdoor na establisyemento sa Cebu ang mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Ayon sa ulat ng Saksi, maglalabas ng executive order ang lokal na pamahalaan ng Cebu sa Disyembre 29.

Magiging epketibo naman ito sa darating na Enero 2022.

Sinabi rim ng lokal na pamahalaan na kinakailangan magpagpakita ng vaccination card ang idibidwal bago payagan sa establisyemento.

Samantala, ang mga establisyementong hindi manghihingi ng vaccination card at lalabag sa utos na ito ay maaring ipasara.

The post Hindi bakunado bawal pumasok sa mga establisyemento sa Cebu first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-bakunado-bawal-pumasok-sa-mga-establisyemento-sa-cebu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-bakunado-bawal-pumasok-sa-mga-establisyemento-sa-cebu)