Matagal nang kakampi ng LGBT community si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor bago pa man niya ideklara ang kanyang pagtakbo sa pagka-mayor ng Quezon City.

“Alam ko naman na ang tao hindi dapat pagbatayan kung ano yung sexual preference para malaman mo kung siya ay matinong tao, mabait na tao at sa katunayan sa inyong sektor marami sa inyo produktibo, tumutulong sa pamilya at tumutulong sa ating bansa, kumikita at may ginagawa,” wika ni Defensor sa isa sa kanyang mga talumpati.

Bilang patunay, isa si Defensor sa mga nag-akda sa Kongreso para maiwasan ang diskriminasyon sa mga LGBT sa pamamagitan ng Sexual Orientation or Gender Identity or Expression bill, o mas kilala bilang SOGIE bill.

Inihain niya ang naturang panukalang batas noon pang 2019.

“Ang gusto po natin ay pantay-pantay ang pagtingin sa lahat anuman ang iyong kasarian,” wika pa ng kongresista.

Bukod kay Defensor, author din ng parehong measure ang kanyang running mate na si Councilor Winnie Castelo noong ito’y nagsislbi pa sa Mababang Kapulungan.

Paliwanag naman ng mayoral candidate, hindi niya sinusulong na magkaroon ng special treatment sa mga LGBT community, bagkus ay nais lang niyang bigyan ng pantay na pagtrato sa mga ito.

“Ito hong ganitong pananaw noon ko pa naman ho pinanghahawakan,” lahad ng mambabatas.

Proud din si Defensor na ang anak niyang si Mel ay parte ng LGBT community bilang gay.

“Niyakap ko yung anak ko at sinabi ko I love you and my love for you will not change,” sambit ng tatakbong QC mayor.

“Nagpa-debut pa ko ha, may sarili siyang debut, sabi ko ‘mag-debut ka’. I wanted her to feel comfortable, I wanted her to feel the love.”

Noong 2019, pinuri ng LGBT Pilipinas party-list si Defensor sa pagpapakita nito ng pagmamahal sa kanyang trans-daughter.

The post Hindi lang tuwing eleksyon: Defensor kakampi ng LGBT community first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-lang-tuwing-eleksyon-defensor-kakampi-ng-lgbt-community/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-lang-tuwing-eleksyon-defensor-kakampi-ng-lgbt-community)