Patuloy pa rin ang ngitngit ng mga netizen dahil hindi pa rin umano tapos si TJ Valderrama sa pangmamanyak sa kapwa housemate.

Nagpo-protesta ang mga fans ni Pinoy Big Brother housemate Shanaia Gomez sa Twitter dahil masyado pa ring “touchy” si TJ dito kahit na umano nasabihan na sila ni Kuya sa pagiging malapit.

Isang netizen ang nagbahagi ng video sa Twitter kung saan makikita na niyapos ni TJ si Shanaia at pinulupot ang kamay sa may bewang ng dalaga.

“BBE TJ WITH NO RESPECT. That’s it. That’s the tweet,” caption ng nag-post ng video.


Sa isa namang episode ng PBB, naglaro ang mga housemate ng “jojowain o trotropahin,” isang sikat na laro sa panahon ngayon.

Tinanong si TJ ng kapwa housemate kung nais nitong maging nobya si Shanaia o nais lang maging tropa. Kontrobersyal naman ang naging sagot ni TJ.

“No comment,” sagot ni TJ na lalong ikinagalit ng mga netizen.


Sabi ng ilan, ang sagot nito ay isa lang umanong indikasyon na may nararamdaman ito para sa dalaga.

Ito ang ilang reaksyon ng mga netizen sa nasabing issue:

The post Hindi na nadala! TJ Valderrama muli na namang natawag na manyak first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hindi-na-nadala-tj-valderrama-muli-na-namang-natawag-na-manyak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-na-nadala-tj-valderrama-muli-na-namang-natawag-na-manyak)