Inihatid na ang huling batch ng binili ng gobyerno na COVID-19 bakuna sa Pilipinas nitong Huwebes.
Nasa 600,000 doses ng Pfizer ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ito ang huling ihahatid sa 40 milyong binili ng pamahalaan sa kumpanya ng Pfizer.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 consultant Dr. Ted Herbosa, gagamitin ang mga bakuna bilang booster shot.
“Very important because our cases are rising. We are reminding people to get vaccinated and get booster doses,” pahayah ni Herbosa.
Samantala, patuloy naman tumataas ang kaso ng mga nahahawaan ng coronavirus.
Nitong Disyembre 30, nakapagtala ng 1,623 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. (Sherrylou Nemis)
The post Huling batch ng biniling Covid 19 bakuna inihatid na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/huling-batch-ng-biniling-covid-19-bakuna-inihatid-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=huling-batch-ng-biniling-covid-19-bakuna-inihatid-na-sa-pinas)
0 Mga Komento