Bitbit ng aktres na si Marian Rivera, isa sa mga judge sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Israel, ang kaniyang asawa na si Dingdong Dantes.

Hindi naman maiwasang mapahanga ng aktor sa kagandahang taglay ni Marian.

Sa isang Instagram post ni Dingdong, sinabi nito na hindi niya alintana ang pagiging water boy para sa kanyang asawa.

“I don’t mind being this judge’s Water Boy during tonight’s preliminary event. #MarianXMissU,” caption ng aktor kasama ang isang larawan ng asawa.


Samantala, marami namang fans ang pumuri kay Marian dahil umano sa ganda ng aktres at nababagay lang umano ito maging judge sa nasabing competition.

The post ‘I don’t mind’: Dingdong ‘water boy’ sa Miss Universe sa Israel first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/i-dont-mind-dingdong-water-boy-sa-miss-universe-sa-israel/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=i-dont-mind-dingdong-water-boy-sa-miss-universe-sa-israel)