Kinumpirma ng Hong Kong ang ika-apat na kaso ng Omicron variant mula sa ibang bansa.

Sinabi ng Center for Health Protection na ang ikaapat na kaso ng Omicron ay bitbit ng isang lalaki mula sa Qatar na dumating sa Hong Kong noong Nobyembre 4 para sa transit.

Nanatili siya sa airside ng restricted area dahil sa isyu na may kinalaman sa visa at nagpositibo sa pre-departure test sa restricted area sa Hong Kong International Airport noong Nobyembre 27.

Ang pasyente ay wala pang bakuna sa COVID-19 at asymptomatic ngunit kinumpirma ng genome sequencing na Omicron variant ang bitbit nito.

Samantala, naitala rin sa Hong Kong ang tatlong bagong imported na kaso ng COVID-19 nitong Miyerkoles mula Pakistan, Spain, at Pilipinas.
(Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Ika-4 na kaso ng Omicron sa Hong Kong, nakumpirma first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ika-4-na-kaso-ng-omicron-sa-hong-kong-nakumpirma/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ika-4-na-kaso-ng-omicron-sa-hong-kong-nakumpirma)