Wala nang banta ng COVID-19 sa apat na bayan ng Davao del Norte matapos gumaling ng mga pasyente sa lugar.

Ayon sa Davao del Norte Provincial Health Office, wala nang aktibong kaso sa bayan sa Kapalong, New Corella, San Isidro, at Talaingod.

Kagagaling lang umano ng dalawang pasyente sa New Corella.

Sinabi ng commander ng Davao del Norte COVID-19 operations center na si Dr. Alfredo Lacerona, ang pagbaba ng mga bagong kaso at aktibong kaso ay dahil sa dami ng bilang ng mga nagpabakuna sa lugar.

The post Ilang bayan sa Davao del Norte laya na sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-bayan-sa-davao-del-norte-laya-na-sa-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-bayan-sa-davao-del-norte-laya-na-sa-covid-19)