Bumaba sa 4.2% ang inflation rate – o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo – sa buwan ng Nobyembre, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa ulat ng PSA ngayong Martes, bumagal ang inflation rate noong Nobyembre kumpara sa 4.6% na naitala noong Oktubre.

“Ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Nobyembre 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 3.9 % inflation at 93.2 % share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa,” pahayag ng PSA.

Samantala, ang average na inflation rate mula Enero hanggang Nobyembre 2021 ay 4.5%, ayon sa PSA. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Inflation rate bumagal noong Nobyembre – PSA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inflation-rate-bumagal-noong-nobyembre-psa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=inflation-rate-bumagal-noong-nobyembre-psa)