Naniniwala ang isang investment banking firm na sisipa muli ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ito ang ginawang pagtaya ng Goldman Sachs, isang global investment firm na naniniwalang kayang abutin ng Pilipinas ang mahigit seven percent Gross Domestic Product (GDP) sa 2022.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagagalak siya sa tiwala ng Goldman Sachs, subalit malalaman ito pagsampa ng 2022 dahil hindi pa alam kung ano ang magiging epekto ng Omicron variant sa bansa.

“Well, that remains to be seen. We still have to worry about the coming Omicron and how it would impact on the population of the Philippines,“ anang Pangulo.

Pero kung magkatotoo aniya ito, magiging magandang pasko ito para sa lahat ng Pilipino.

“But the confidence, at least, is there and the analyst believed that the gross domestic product, GDP, could hit more than seven percent. Sana, sana kung pag-ano — Inshallah. This will be a good Christmas for everybody,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Investment firm: Ekonomiya ng ‘Pinas muling sisipa sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/investment-firm-ekonomiya-ng-pinas-muling-sisipa-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=investment-firm-ekonomiya-ng-pinas-muling-sisipa-sa-2022)