Muling binato si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng isa pang disqualification petition ngayong Huwebes.

Nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) ang panibagong grupo na nagpoprotesta sa legalidad ng kandidatura ni Marcos.

Ang mga nasa likod ng petisyon ay sina Akbayan First Nominee Perci Cendaña, dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales, Atty. Byron Bocar ng Institute for Political and Electoral Reforms, Akbayan Youth Chairperson Dr. RJ Naguit, at sina Tition Lao-Manalo, Doris Nuval, Jean Enriquez, at Nice Coronacion na mula sa iba’t-ibang mga grupo.

Gaya ng mga naunang petisyon, kinukwestyon nila ang pagtakbo ni Marcos gayong na-convict ito sa ‘di paghahain ng income tax return noong 1995.

Ito na ang ikalimang petisyon laban sa kandidatura ni Marcos. (mjd)

The post Isa pang DQ petition inihain vs Marcos Jr. first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isa-pang-dq-petition-inihain-vs-marcos-jr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isa-pang-dq-petition-inihain-vs-marcos-jr)