May posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa supply ng itlog dahil sa pagsirit ng presyo ng mga chicken feed o patuka sa manok, ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA).

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni UBRA chairman Gregorio San Diego, tumaas ang halaga ng mais mula P14 patungong P22 kada kilo.

Ani San Diego, 50% ng patuka sa manok ay mais.

Tumaas din aniya ang halaga ng soybean mula sa P27 ay umakyat ito sa P55 kada kilo.

Kaya babala ni San Diego, sa anim na buwan maaaring magkaroon ng kakulangan sa supply ng mga itlog kung patuloy na tataas ang presyo ng chicken feed.

The post Itlog shortage pinangangambahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/itlog-shortage-pinangangambahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=itlog-shortage-pinangangambahan)