Magkaiba ang sagot nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco nang sila’y tanungin kung nagkabalikan na ba sila.

Naging guest ang dalawa sa isang episode ng ‘Mars Pa More’ kung saan naitanong kung nagkaayos na ba sila.

Habang si Alwyn ay kampanteng sinabi na maayos na ang relasyon nila, iba naman ang naging tugon ni Jennica.

“Bakit ‘no?’” tanong ni Alwyn sa asawa.

“Baka kasi too early to say. Kinakabahan ako,” ani Jennica. “Ano, parang we are both, you know…”

“We’re just friends? Ganun?” tanong ulit ni Alwyn.

“Hindi. Hindi ganun,” paliwanag ni Jennica. “We’re on the same page. Of course, we want… we are believing in God for our marriage to work. It’s just that I’m not so… there’s so much healing that needs to happen. I still have unhealthy coping habits. So I’m really working on it.”

Ilang buwan na ang nakakaraan ng umamin ang dalawa na nagkahiwalay na sila.

Matapos ito, biglang nag-post si Alwyn kung saan nakasaad ang pasasalamat sa isa pang pagkakataon na ibinigay ni Jennica.

Ikinasal ang dalawa noong 2014 at may dalawang anak.

The post Jennica ‘di masabi kung OK na sila ni Alwyn first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jennica-di-masabi-kung-ok-na-sila-ni-alwyn/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jennica-di-masabi-kung-ok-na-sila-ni-alwyn)