Nabigyan na si Jimuel Pacquiao ng kanyang amateur boxing license na isang senyales na malapit na itong magsimula sa kanyang boxing career habang nasa US.

“Anything. I just want to get the experience. I’m staying here. Staying in the Wild Card, staying in the gym trying to get better, so I’m here,” saad ni Pacquiao habang nasa Wild Card Gym, na siyang pinagsasanayan ng kanyang ama noong boksingero pa ito.

Nakasabay ni Jimuel sa kanyang pagsasanay sa US ang mga pro boxer na sina Marlos Tapales at Reymart Gaballo.

Isang beses rin siyang nagkaroon ng pribilehiyo na makadaupang-palad ang pound-for-pound king na si Canelo Alvarez.

“That’s why I stayed behind. the atmosphere is great, training with professionals even at the wild card, being around Marlon when he was preparing for this fight and all the other pros it’s great man,” wika pa ni Pacquiao.

Ang 20-anyos na si Jimuel ay ang panganay ng dating eight-division world champion na si Manny Pacquiao.

The post Jimuel Pacquiao pwede na makipag-upakan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jimuel-pacquiao-pwede-na-makipag-upakan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jimuel-pacquiao-pwede-na-makipag-upakan)