Naka-move on na kay Ellen Adarna at may girlfriend na ang magaling na aktor na si John Lloyd Cruz, ayon sa entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Sa “Cristy Fer Minute”, sinabing apo ng namayapang pintor na si Mauro “Malang” Santos ang bagong nagpapatibok sa puso ni Lloydie – na si Isabel.

“Ang sinasabing girlfriend niya Isabel Santos. Siya po ay apo ng namayapang magaling na pintor na si Ginoong Mauro ‘Malang’ Santos,” tsika ni Cristy.

Kaya pala raw nahihilig ang aktor sa mga painting. Dagdag niya, naipakilala na raw ni John Lloyd si Isabel sa mga kaibigan nito.

“Si Tita Nene Olanday ang nagkumpirma. Confirmed na, sila na nga. Madalas nga si John Lloyd ngayon kina Solaire,” tsika ni Cristy.

Si Tita Nene ay pinsan umano ng lola ni Isabel habang si Solaire ay magulang ng bagong nobya ni JLC.

Umugong ang espekulasyong magkarelasyon na sina Lloydie at Isabel nang maispatan sila sa Christmas party ng Crown Artist Management na kinabibilangan ng aktor.

Nakaakbay si John Lloyd kay Isabel at silang dalawa ang palaging magkasama. (IS)

The post John Lloyd move on na kay Ellen, may bagong dyowa! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/john-lloyd-move-on-na-kay-ellen-may-bagong-dyowa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=john-lloyd-move-on-na-kay-ellen-may-bagong-dyowa)