Walang nararamdamang selos si Julia Barretto sa pagbabalik sa first love ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Katunayan, suportado pa nga ni Julia ang first love ni Gerald – ang basketball.

Nagbalik si Gerald sa hardcourt para sa koponang GenSan Warriors sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

At sa laro ng Warriors nitong Martes, siniguro ni Julia na mapapanood niya ang jowa.

“It’s his first love,” wika ni Julia. “It’s something that he is passionate about and he is committed to it. He has invested so much of his time and effort for this team.”

Hindi naman binigo ni Gerald si Julia at nagpakitang-gilas, sa pag-iskor ng 15 points, 12 dito galing sa first half.

Bagamat natalo ang Warriors, 66-74, proud si Julia sa dedikasyon ng aktor sa kanyang hilig.

“The wonderful about him is when the game is back, he is just always prepared. So when the MPBL had a two-year hiatus, he was just training every day and preparing for when the MPBL is back,” dagdag pa ni Julia.

“Now that it’s back, he is just ready.”

The post Julia ‘di selos sa ‘first love’ ni Gerald first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/julia-di-selos-sa-first-love-ni-gerald/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=julia-di-selos-sa-first-love-ni-gerald)