Supalpal lang umano ang aabutin sa Commission on Elections (Comelec) ng isang petisyon na nagmumungkahing iusad sa 2025 ang eleksyon sa susunod na taon dahil sa pandemya, ayon kay spokesperson James Jimenez.

Sa panayam ng ANC ngayong Lunes, sinabi ni Jimenez na labag sa Konstitusyon ang pagsusupinde ng halalan, na iminungkahi ng grupong Coalition for Life and Democracy.

“I think they’re going by the fact that the Comelec does have the authority to suspend the conduct of elections. But, the petition itself, just on the surface of it, seems unlikely to prosper,” wika ni Jimenez.

“Basically saying that we’re going to go against the Constitution and just not hold elections this year. Right? That would be unconstitutional,” aniya.

Diin pa ni Jimenez, maaaring suspendihin ang halalan ngunit sa maliit na panahon lamang at kapag ang sitwasyon ng bansa ay hindi maisasagawa ang malaya at patas na halalan.

“I think those particular criteria do not exist right now. So, I don’t see any justification for granting this sort of petition. Of course, that’s entirely on the commission en banc if it ever gets to them,” dagdag pa ni Jimenez.

Ang susunod na halalan ay nakatakda sa Mayo 9, 2022. (mjd)
‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Kahit may COVID pa! 2022 elections itutuloy – Jimenez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-may-covid-pa-2022-elections-itutuloy-jimenez2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-may-covid-pa-2022-elections-itutuloy-jimenez2)