Problema umano ang kakulangan sa vaccinator kaya umano mabagal ang mga local government unit (LGU) sa pagbibigay ng bakuna.

Ayon sa League of Provinces of the Philippines (LPP), sapat naman daw umano ang mga COVID-19 vaccine sa ilang lugar.

Dagdag pa ng LPP, ang kakulangan ng mga magbabakuna ang siyang dahilan kung bakit nabigo ang mga LGU na maabot ang kanilang target sa naganap na Bayanihan Bakunahan drive.

“There are several LGUs that have insufficient numbers of vaccinators. That’s why they haven’t met their target number to be vaccinated… but their supply of vaccines is enough,” LPP President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa DZBB.

Nitong Nobyember 29 hanggang Disyembre 1, nagsagawa ang gobyerno ng malawakang pagbabakuna sa tatlong araw ng national vaccination campaign.

Ngunit, tanging 7.6 milyon lamang ang nakatanggap ng jab, mas mababa kaysa sa target na siyam na milyong indibidwal.

The post Kakulangan sa vaccinator problema ng mga LGU – LPP first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kakulangan-sa-vaccinator-problema-ng-mga-lgu-lpp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kakulangan-sa-vaccinator-problema-ng-mga-lgu-lpp)