Lumabas sa ulat ng World Health Organization (WHO) na dumami ang kaso at namatay sa malaria sa buong mundo noong 2020, bunsod ng pagkalat ng COVID pandemic.

Ayon sa WHO, noong 2020 ay nakapagtala ng 241 milyon kaso ng malaria sa buong mundo kung saan 627,000 ang nasawi. Ang bilang ng mga kaso ay mas mataas ng 14 milyon kumpara noong 2019 habang ang bilang ng mga namatay ay mas mataas ng 69,000 bago ang pandemya.

Saad pa ng WHO, ang pagtaas ng mga kaso ay dahil inantala ng COVID ang pagbibigay ng serbisyo at gamutan sa mga lugar na sinalanta ng malaria.

Pinakaapektado ng malaria ang sub-Saharan Africa, kung saan 95% ng mga kaso at 96% ng bilang ng mga nasawi sa buong mundo ang dito naitala. Bukod pa rito, 80% ng mga nasawi sa malaria sa naturang rehiyon ay mga bata edad lima pababa.

“Even before the COVID-19 pandemic struck, global gains against malaria had levelled off,” pahayag ni WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus.

“Thanks to the hard work of public health agencies in malaria-affected countries, the worst projections of COVID’s impact have not come to pass. Now, we need to harness that same energy and commitment to reverse the setbacks caused by the pandemic and step up the pace of progress against this disease,” dagdag pa nito. (mjd)

The post Kaso ng Malaria pinalala ng COVID pandemic – WHO first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaso-ng-malaria-pinalala-ng-covid-pandemic-who/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-malaria-pinalala-ng-covid-pandemic-who)