Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes ang ika-apat na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Ayon sa ulat, isang 38-anyos na babae galing USA ang nakitaan ng Omicron.

Dumating umano ito sa NAIA noong Disyembre 10 sakay ng Philippine Airlines PR 127, at bagamat negatibo sa swab test bago umalis ng USA, nakaranas ito ng pangangati ng lalamunan at sipon noong Disyembre 13.

Nakolekta ang specimen ng babae noong Disyembre 14 kung saan napag-alamang positibo ito sa Omicron.

Muli itong nagpositibo sa COVID noong pasko, bagamat noong Disyembre 24 pa lamang ay nakalabas na ito sa facility isolation at isa nang asymptomatic.

Sa kasalukuyan, ang pasyente ay sumasailalim sa home isolation.

The post Kaso ng Omicron sa ‘Pinas 4 na – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaso-ng-omicron-sa-pinas-4-na-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-ng-omicron-sa-pinas-4-na-doh)